COMELEC bukas sa pagdaraos ng mga debate bago ang Halalan 2025

COMELEC bukas sa pagdaraos ng mga debate bago ang Halalan 2025

Bukas ang Commission on Elections (COMELEC) sa posibilidad na magkaroon muli ng mga debate para sa mga kandidato bago ang midterm elections sa Mayo 2025.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, ang mga debate ay dapat pamahalaan ng mga media company, base sa Republic Act 9006 o Fair Elections Act.

Ang Comelec ay tutulong lamang sa pag-supervise at pag-coordinate ng mga kandidato.

Sinabi rin ni Garcia na malaking tulong ang mga debate para sa mga botante dahil dito mas makikilala ang mga plataporma at paninindigan ng mga kandidato.

Noong 2022 elections, nakansela ang huling dalawang debate para sa mga president at vice president candidates dahil sa mga isyung pinansyal ng partner ng Comelec, ang Impact Hub Manila, kasama ang Sofitel Philippine Plaza na venue ng debate. (Jerwin Quitaneg – Correspondent)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *