May-ari ng SUV na nag-U turn sa EDSA Aurora Tunnel ipinatatawag ng LTO
Sinampahan na ng reklamo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang driver ng SUV na nagsagawa ng illegal u-turn sa Southbound ng EDSA/Aurora tunnel.
Ayon sa MMDA, agad namang nagpalabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) at inatasan ang registered owner ng black SUV na humarao sa ahensya sa Lunes, October 14.
Inatasan din ang driver na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi siya nararapat masampahan ng kasong administratbo sa salang reckless driving at obstruction of traffic.
Ang nasabing mga paglabagay may parusang suspension o revocation ng driver’s license.
Noong Oct. 8 ng umaga, sa kasagsagan ng rush hour ay nakuhanan ng CCTV camera ng MMDA ang SUV na nag-U turn sa sa EDSA Aurora tunnel. (DDC)