Publiko binalaan ng Smart sa text message tungkol sa re-registration ng SIM

Publiko binalaan ng Smart sa text message tungkol sa re-registration ng SIM

Nagbabala ang Smart Communications, Inc. at TNT PH sa kanilang mga customer sa ipinakakalat na text messages tungkol sa umano ay re-registration ng SIM card.

Sa mga text message ay hinihikayat ang mga subscriber na mag re-register ng kanilang SIM para maiwasan ang deactivation.

Ang mensahe ay may kalakip na link at kapag napindot ito
ay dadalhin ang subscriber sa phishing domain na kunyari ay proseso para magrehistro ng SIM ng Smart.

Ayon sa Smart, hindi galing sa kanila ang nasabing mga mensahe.

Paalala ng Smart hindi kailangan na mag re-register ng Smart o TNT SIM kung nagawa na ito dati. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *