Kumpanya na gumagawa ng fiber cement products nahikayat ni Pang. Marcos na mamuhunan sa bansa
Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may panibagong trabaho na maibibigay ang gobyerno sa publiko.
Ito ay matapos makumbinsi ni Pangulong Marcos ang Shera Public Company Limited na pangunahing kompanya na gumagawa ng fiber cement products na mamuhunan sa bansa.
Nakausap ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng Shera sa sidelines ng 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao Peoples’ Democratic Republic.
“We’re proud to welcome Shera Public Company Limited’s investment’s in the 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴. As a leader in fiber cement products, SHERA isn’t just bringing eco-friendly building solutions—they’re also creating jobs and reducing our reliance on imports,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We look forward to seeing your green innovations in action, helping the 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴 become a hub for smart and sustainable manufacturing,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Nabatid na ang Shera ay nangunguna ng kompanya sa Thailand at nagpalawak ng operasyon sa Lao. (CY)