28 probinsya naisumite na ang mga natanggap nilang COC sa Comelec Main Office
Natanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang unang batch ng mga Certificate of Candidacy (COC) na inihain sa iba’t ibang mga probinsya sa bansa.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, naisumite sa Comelec Main Office ang unang batch ng mga COC na mula sa 28 probinsya.
Kabilang dito ang 7 probinsya sa Cordillera Administrative Region (CAR), 4 mula sa Region 1, 5 mula sa Region 2, 7 mula sa Region 3, 2 mula sa Cavite at ang mga COC mula sa 1st, 2nd at 3rd District ng Davao City.
Una ng sinabi ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, pagkatapos ng filing lahat ng COCs at mga Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ay ipo-proseso ito ng Comelec Law Department.
At kabialang sa mga susuriin ang mga sumusunod:
– authorized signatories sa CONA para sa mga duly registered political parties
– aalamin ang kanilang authority para pumiirma, jurisdiction o limitations
– beberipikahin din ang pirma sa specimen signatures na nauna na nilang isinumite sa Comelec
Pagpapasyahan ng Law Department ang pagkansela sa mga COC ng mga aspirante na may multiple COCs para sa iba’t ibang posisyon o nominasyon mula a dalawa o higit pang Party List groups.
Para naman sa mga ituturing na nuisance candidates ang Comelec ay maghahain ng motu proprio cases upang mabalewala ang kanilang kandidatura. (DDC)