Walang POGO sa Jomalig Island – Mayor Sarmiento
Mariing pinabulaanan ni Mayor Nelmar Sarmiento ng Jomalig, Quezon matapos kumalat at napabalitang merong POGO umano sa kanilang isla.
Nasaksihan mismo ng mga media na nagtungo sa lugar na ang mga itinuturong pugad umano ng POGO ay ni isa ay walang nakikita katulad na lamang sa Light House ay hindi pa ito tapos at ang ilalagay nito pang tourist attractions ng kanilang isla at pagtulong sa mga mangingisda na mapadpad sa lugar dahil gawin itong Parola.
Mismong may-ari ng Sea Horrison resort ay pumalag sa pagpapakalat na pugad umano ang kanilang lugar ng POGO.
Ayon kay Mayor Sarmiento, hindi nakakatulong sa kanilang isla ang mga ganitong pagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko dahil nagdulot lamang ito ng kalituhan at kasiraan ng kanilang pangunahing pinapasyalan ng mga turista.
Kung pagsusumahin maliit lamang ang kanilang isla at lahat ng residente dito ay magkakilala na madali lamang matunton ang mga baguhang mukha kung meron mang mga iligal na aktibidad sa naturang bayan.
Nasa limang barangay lamang ang kanilang bayan at halos 8,000 populasyon ang nakatira dito at lahat ng business na nakalagak sa isla fully monitored ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Mayor Sarmiento, na handa siya sa anumang imbestigasyon ng Kamara at ng Senado dahil wala siyang itinatago sa kanyang paglilingkod.
Hirit pa ng alkalde na ito ay isang politically motivated lalo na’t malapit ang halalan sa 2025.
Panawagan naman ni Mayor Sarmiento sa kanyang mga kababayan na maging mapanuri at huwag basta basta maniniwala sa mga kumakalat sa social media dahil nakakasira ito sa imahe ng kanilang magandang lugar na dinadayo ng mga turista. (JR Narit)