Mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng oil spill at bagyong Carina tinulungan ng MPT South at Maynilad
Natanggap na ang mga saku-sakong bigas na ayuda para sa mangingisda ng Cavite na matinding naapektuhan ng oil spill at bagyong Carina kamakailan.
Ang mga bigas na tulong sa mangingisda ay ipinamahagi ng Metro Pacific Tollways (MPT) South Corporation, ang concessionaire ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX), katuwang ang Maynilad Water Services, Inc.
Ooisyal na ibinigay ang relief effort kay dating Gobernador Jonvic Remulla na ipinamahagi naman sa mga coastal community ng Cavite City, Bacoor City, at mga munisipalidad ng Noveleta, Rosario, Kawit, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.
“We understand the crucial role fisherfolk play in sustaining both the livelihoods of Caviteños and the province’s food supply,” pahayag ni MPT South President at General Manager, Raul Ignacio.
Ang pakikiisa sa inisyatiba ni Maynilad President Ramon Fernandez ay nagpatibay sa pangangailangang suportahan ang mga apektadong mangingisda lalo na sa pagharap ng ganitong mga hamon.
Ang MPT South ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC). Bukod sa CAVITEX at CALAX, may hawak din ang MPTC ng domestic concession rights para sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX). (Bhelle Gamboa)