Mga naranasang problema sa unang phase ng six-month pilot program para sa Filipino caregivers sa South Korea, pinag-aaralan na ng DMW

Mga naranasang problema sa unang phase ng six-month pilot program para sa Filipino caregivers sa South Korea, pinag-aaralan na ng DMW

Isinasailalim ngayon sa assessment ang pagpapatupad ng six-month pilot program para sa Filipino caregivers sa South Korea.

Ito ay makaraang dalawang Filipino ang tumakas matapos ang unang buwan ng kanilag employment.

Sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nakikipag-ugnayan ito sa kanilang Korean para sa assessment at monitoring.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na pinag-uusapan na ang mga isyu at concern sa initial phase ng programa.

Sinabi ng kalihim na isolated cases ang pagtakas ng dalawang Filipino caregivers at hindi naman ito inaasahang makaaapekto sa kabuuan ng programa.

Sa ngayon, ang Migrant Workers Office (MWO) sa Seoul at ang Philippine Embassy ay nagkaloob na ng legal assistance at iba pang tulong sa dalawang caregivers na hawak ng mga otoridad sa Busan Immigration.

Sa panig ng DMW, sinabi ni Cacdac na bago umalis sa Pilipinas ang mga Filipino caregivers ipauunawa sa kanila ang mga implikasyon kung sila ay makagagawa ng paglabag sa Korean immigration laws.

Panawagan ni Cacdac sa mga Pinooy na kasalukuyang naka-deploy sa ilalim ng programa, tapusin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng nilagdaang employment contracts at sundin ang labor laws at regulasyon ng Korean government. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *