Parcel na naglalaman ng P111M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng BOC

Parcel na naglalaman ng P111M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng BOC

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang parcel na naglalaman ng shabu.

Ayon BOC, galing ang parcel sa Mexico at naka-consign sa isang recipient na taga-Bulacan.

Hinarang ito at isinailalim sa inspeksyon.

Nang buksan ang parcel, nakita ang ilegal na droga na nakatago sa wax limang hand-made cultural craft paintings.

Tinatayang aabot sa 16.34 kilograms ang bigat nito at P111,112,000 ang kabuuang halaga.

Ayon sa BOC, bagong modus ng mga drug smuggler ang paghalo ng shabu sa wax para hindi ma-detect.

Dinala na sa PDEA ang mga nakumpiskang ilegal na droga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *