Pinoy binitay sa Saudi Arabia – DFA
Isang Pinoy ang binitay sa Saudi Arabia dahil sa salang pagpatay.
Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, ang pamahalaan ay nagbigay ng legal assistance sa nasabing Pinoy at ginawa ang lahat ng paraan upang siya ay mailigtas sa parusang kamatayan kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal.
Gayunman, patuloy na tumanggi ang pamilya ng biktima na tumanggap ng blood money kapalit ng pagpapatawad sa nagkasalang Pinoy.
Nabatid na financial dispute ang pinag-ugatan ng insidente na nagbunsod sa pagpatay ng Pinoy sa isang Saudi national.
Ayon sa DFA, humiling ang pamilya ng nasabing Pinoy ng privacy at hindi na nais na isapubliko pa ang ibang mga detalye sa kaso. (DDC)