740 pang PDLs pinalaya ng BuCor

740 pang PDLs pinalaya ng BuCor

Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang karagdagang 740 na persons deprived of liberty (PDLs) magmula Agosto 31 hanggang Oktubre 2024 kung saan umabot na sa kabuuang 16,657 PDLs na ang nakalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa ginanap na simbolikong culminating activity sa Social Hall ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, pormal na lumaya ang 45 PDLs kasabay ang kaganapang ito sa iba’t ibang prisons and penal farms sa bansa.

Inihayag pa ni Catapang na lumaya ang nasabing PDLs dahil natapos na ang kanilang sentensiya o hatol – 459; absuwelto sa kaso sa korte-147; bail bond – 1;probation – 40; Habeas Corpus – 3; binawi ang order of arrest and recommitment at napagkalooban ng pinal na release and discharge – 1; Parole – 86 at turn-over to jail – 3 ( may iba pang nakabinbin na kaso).

Nabatid na ang mga lumayang PDLs ay mula sa Catapang disclosed that of the said numbers, 41 were from Correctional Institution for Women ( CIW – Mandaluyong City) -41; CIW – Iwahig Prison and Penal Farm -3; CIW – Mindanao -17; Davao Prison and Penal Farm -106; Iwahig Prison and Penal Farm -31; Leyte Regional Prison -21; New Bilibid Prison (NBP)-9; NBP – Maximum Security Camp -176; NBP – Medium Security Camp- 144; NBP – Minimum Security Camp-35; NBP – Reception and Diagnostic Center -11; Sablayan Prison and Penal Farm -41; at San Ramon Prison and Penal Farm – 105.

Sinabi pa ni Catapang na ang paglaya ng PDLs ay nagbigay-diin sa pangako ng BuCor na rehabilitasyon ng pamumuhay at reintegrasyon ng mga indibiduwal sa lipunan na pawang nagsilbi ng kanilang panahon.

“Each time we release a PDL, we are giving him or her a chance to embark on a new chapter in his or her life and every release is more than just a statistic. It is a story of resilience, hope and a chance to start a new life,” sabi ni Catapang.

Binigyang-diin pa ng opisyal ang importansiya ng katulad na mga inisyatiba na hindi lamang para sa mga indibiduwal na nagkamit ng kanilang kalayaan kungdi para sa mas malawak na komunidad na nagsusulong ng kultura ng rehabilitasyon kaysa ng pagpaparusa.

Dumalo rin sa aktibidad sina Almarim Tillah, Al Haj, Presidential Adviser on Muslim Affairs, Associate Justice Marian Ivy Reyes-Fajardo, Justice Assistant Secretaries Francis John Tejano at Randold Pascasio and USEC. Sergio Calizo, Chairperson, Board of Pardons and Parole. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *