17 arestado sa ilegal na pangingisda sa Balesin Island
Naaresto ang labingpitong katao sa ikinasang joint maritime law enforcement operation sa Balesin Island sa Pililio, Quezon.
Sangkot sila sa ilegal na pangingisda sa lugar.
Sa nasbaing operasyon, kinumpiska ng mga otoridad ang gamit nilang fishing banca, fish catch, at fishing paraphernalia na tinatayang aabot sa P1,420,000 ang halaga.
Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Coast Guard Sub Station (CGSS) Polillo sa pakikipagtulugan sa Bantay Dagat, PNP Maritime Group sa Polillo, at Delta Company ng 1st Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ng Philippine Army.
Nagsagawa ng seaborne patrol operation ang team para manmanan ang illegal fishing activities sa lugar malapit sa Lamon Bay.
Sa kasagsagan ng pagpapatrulya, napansin ang isang unmarked fishing banca na gumagamit ng Buli-Buli sa panghuhuli ng isda.
Ayon sa Coast Guard, lumabag ang mga hinuling indibidwal sa Philippine Fisheries Code of 1998. (DDC)