Team Aguiar ng Las Piñas naghain na ng kanilang COC para sa 2025 Midterm Election

Team Aguiar ng Las Piñas naghain na ng kanilang COC para sa 2025 Midterm Election

Pormal ng naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Vice Mayor April Aguilar, nitong Lunes ng umaga, October 7, 2024.

Target ng Bise Alkalde April na tumakbo bilang Mayor ng Lungsod ngayong 2025 midterm elections.

“Sa aking pagtakbo bilang Mayor, ang aking layunin ay palakasin pa ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, at kaligtasan. Magpapatuloy tayo sa pakikipagtulungan sa mga ahensya tulad ng MMDA at DPWH upang tugunan ang problema sa trapiko at pagbaha sa ating lungsod”, Vice Mayor April Aguilar.

Sinabi rin ni Vice Mayor April mas lalo niyang papalakasin ang kanyang mga proyekto sa kalusugan na dati na niyang nasimula.

“The improvement of the city’s health services by procuring mobile X-Ray van and established Laboratory and Diagnostic Centers both in District 1 and 2”, saad niya.

“In terms of education, the city’s chief executive added College of Engineering of the city’s local college that can cater 4000 scholars of the city”, dagdag pa ni VM April.

Habang si incumbent Mayor Imelda Aguilar, ina ni VM April, ay tatakbo naman bilang bise alkalde ng lungsod.

Sa isang pagayag binigyang diin ni Mayor Mel ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng kanilang liderato at ang kanilang mga nakamit at napagtagumapayan para sa mga taga Las Pińas.

“Sa mga nakaraang taon, malaki ang naging pagbabago sa ating lungsod. Mula sa pagpapalakas ng serbisyo pangkalusugan sa pamamagitan ng Green Card program hanggang sa pagtatayo ng bagong College of Engineering ng Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College, kasama niyo kaming magpapatuloy sa pagsulong ng mga programang ito para sa mas progresibong Las Piñas”, saad ni Mayor Mel.

Si Alelee Aguilar naman ay taktakbong Councilor ng 1st District ng Las Piñas, ito ang kanyang first bid para sa local government position.

Ayon pa sa mga Aguilar, ang mother at daughter tandem ay may layong palawigin pa ang ang kanilang serbisyo sa mga senior citizens ng lunsgod tulad ng free cataract removal at free diagnostic and laboratory tests.

Giit din nila na mas maulad at mas ligtas na lungsod para sa kanilang mga residente at ipag patuloy ang kanilang abukasiya para sa kapakanan ng taga Las Pińas.

Sabi nga sa kanilang slogan “Para Sa Tuloy na Tapat at Progresibong Serbisyo”. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *