2 phreatic eruptions naitala sa Bulkang Taal – Phivolcs
Nakapagtala ng dalawang phreatic eruptions sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag ayon sa Phivolcs.
Sa bulletin na inilabas ng Phivolcs ang naitalang phreatic eruptions ay tumagal ng isa hanggang apat na minuto.
Nakapagtala din ng 8 volcanic earthquake sa Mt. Taal sa magdamag kabilang ang 1 volcanic tremor na umabot sa 2 minuto ang haba.
Ayon sa Phivolcs, umabot sa 2,068 tonnes per day ang average ng sulfur dioxide na nagmula sa bulkan.
Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkang Taal at bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures.
Bawal din ang pamamalagi sa lawa ng Taal at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan. (DDC)