50,000 violations naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Program o NCAP sa lungsod ng Maynila

50,000 violations naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Program o NCAP sa lungsod ng Maynila

Umabot na sa halos 50,000 ang bilang ng mga lumabag sa ilalim ng No Contact Apprehension Program o NCAP sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Wilson Chan Chief Operation Officer ng MTBP
ang nasabing bilang ay naitala mula nang ilunsad ang programa noong Disyembre 7, 2020.

Sa ilalim ng NCAP, hindi na maninita ang traffic enforcers para iwas sa pagkakalantad sa COVID-19.

Sa halip, makikita na sa high-definition cameras na nakakalat sa buong Maynila ang mga lumalabag sa batas trapiko at ordinansa.

Sa opisina ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB sa Manila City Hall ay nagtutungo ang mga “violator” na nakatanggap ng notice of violation hinggil sa kanilang naging paglabag.

Isang jeepney operator ang nakatanggap ng notice na nagsasabing umabot ng 35 ang paglabag ng kaniyang driver.

Mayroon ding ilang operators ng pampasaherong jeepney ang napadalan ng notice of violations, dahil sa paglabag ng kanilang mga tsuper.

Kabilang sa karaniwang paglabag o violation ay ang obstruction, pagparada sa mga no parking zones o pedestrian lane, beating the red light at iba pa.

Ang multa ay mula P2,000 hanggang P5,000, depende sa ilang beses o uri ng paglabag.

Kung nais ng motorista na makita kung may offense na sila, maaari itong i-check sa website na https://nocontact.manilacity.ph/.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *