5,000 doses ng Sinovac ipamamahagi sa 3 referral hospitals sa Region 2

5,000 doses ng Sinovac ipamamahagi sa 3 referral hospitals sa Region 2

Aabot sa 5,000 doses ng Sinovac ang nakatakdang ibigay sa tatlong referral hospital sa Region 2 na ipamamahagi sa mga medical frontliners.

Ang Sinovac ay inaasahang darating sa rehiyon sa March 7 at agarang dadalhin sa cold storage facility ng Department of Health (DOH) Region 02.

Kabilang sa tatlong ospital na mabibigyan ay ang Cagayan Valley Medical Center na kinabibilangan ng 2,452 health workers, Region 02 Trauma and Medical Center sa Nueva Vizcaya na may 1,129 ding medical frontliners at 1,112 naman sa Southern Isabela General Hospital.

Ayon kay Dr. Nica Taloma ng DOH Region 02, nagsagawa na ang ahensya ng simulation exercise o ang pagsasagawa ng hakbang sa proseso ng pagbabakuna bilang paghahanda ng kagawaran sa pagdating ng nasabing bakuna.

Dagdag ni Dr. Taloma, ang sobra mula sa 5,000 doses ay ibabahagi sa mga Covid-19 facilities gaya ng People’s General Hospital sa Lungsod ng Tuguegarao.

Samantala, oras na dumating na ang bakuna sa rehiyon, aantayin muna umano ang lima hanggang pitong araw bago iturok ang unang dose ng Sinovac sa mga health workers at ibibigay naman ang ikalawang dose makalipas ang isang buwan.

Sa huli, tiniyak naman ni Dr. Taloma na isusunod na mababakunahan ang iba pang ospital, quarantine facilities, at iba pang health institutions sa rehiyon oras na dumating ang susunod pang batch ng mga bakuna.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *