50 pagyanig naitala sa Taal Volcano ngayong araw
Sa loob lamang ng ilang oras ay nakapagtala ng mga mahihinang pagyanig sa Taal Volcano.
Sa inilabas na Taal Volcano Advisory ng Phivolcs, mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ngayong Lunes (Feb. 15) ay umabot na sa 50 ang naitalang pagyanig.
Dahil dito, simula noong Sabado ay umabot na sa 68 na mahihinang pagyanig ang naitatala ng Phivolcs sa Bulkang Taal.
Sinabi ng Phivolcs na mayroon ding pagtaas ng acidity at pagtaas ng temperatura sa main craater ng Taal Lake.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang status ng bulkan at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa mismong Taal Volcano Island at sa Permanent Danger Zone nito.