5 tourism projects nakatakdang simulan sa Southern Leyte
May nakalatag na limang tourism projects ang Department of Public Works and Highways Southern Leyte District Engineering Office sa lalawigan na layong makahikayat ng mas maraming dayuhan at lokal na turista.
Kabilang sa mga proyekto ang mga pagsasaayos ng kalsada patungo sa Fatima Hills sa bayan ng Macrohon na pinondohan ng P2.61 million, Crater Lake sa San Juan na may pondong P24.5 million, Ollies Wall dive site sa Liloan na may pondong P9.8 million, Guinsaugon Lake na may pondong P9.8 million at Bird Sanctuary and Mangrove sa St. Bernard na may pondong P9.8 million.
Ayon kay District Engineer Manolo Rojas, ang mga nasabing tourism access roads ay makapanghihikayat ng mas maraming turista at biyahero at makatutulong din sa mga residente doon para sa mas maginhawang pagbiyahe ng kainlang produkto.
Amg konstruksyon ng tourism access roads ay bahagi ng 0+10-point economic agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Southern Leyte ay kilala sa mga world-class dive sites, mga kweba, extreme adventure sites, waterfalls, safari, river trekking, crater lake trekking, fish feeding, island escapades, beach fun at religious journeys.