5 pang modular hospitals sa bansa target mabuksan sa Hunyo
Magtatayo ang pamahalaan ng lima pang modular hospitals sa bansa pagsapit ng Hunyo, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Sinabi ni Duque na target ng Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na makumpleto ang limang modular hospitals sa National Capital Region (NCR), Batangas, at Davao sa Hunyo ngayong taon.
Idinagdag pa ng kalihim na ngayong linggo ay mahigit anim na temporary treatment and monitoring facilities at isolation facilities na may mahigit 1,700 beds ang bubuksan at mag-o-operate sa NCR at mga kalapit lalawigan.
Inihayag ni Duque na bahagi ito ng nagpapatuloy na hakbangin ng gobyerno upang matugunan ang pagkapuno ng mga ospit dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19. / L. Soriano