5 milyong mamamayan target mabakunahan sa ikatlong Bayanihan Bakunahan program

5 milyong mamamayan target mabakunahan sa ikatlong Bayanihan Bakunahan program

Target ng gobyerno na mabakunahan ang hanggang 5 milyong mamamayan sa idaraos na ikatlong yugto ng Bayanihan Bakunahan program.

Ikakasa ang nationwide rollout sa February 10 at 11.

Babakunahan ang mga edad 12 pataas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, papayagan muli ang walk-ins sa nasabing bakunahan.

Kaugnay nito ay muling umapela ang DOH sa mga nais na mag-volunteer para sa idaraos na National COVID-19 Vaccination.

Maaring mag-volunteer bilang health screeners, vaccinators, post vaccination monitors, health educators, encoders at data consolidators. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *