5 million target para sa Bayanihan Bakunahan 3 malabong makamit ayon sa DOH

5 million target para sa Bayanihan Bakunahan 3 malabong makamit ayon sa DOH

Aminado ang Department of Health (DOH) na maaring hindi maabot ang target ng pamahalaan na mabakunahan ang 5 milyong katao sa Bayanihan Bakunahan 3.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa ngayon ay 2.6 million pa lamang ang nababakunahan sa ikatlon bugso ng National Vaccination Days na ikinasa ng pamahalaan.

Hanggang bukas lamang, February 18 ang pagpapalawig ng Bayanihan Bakunahan 3.

Nakikitang dahilan ni Cabotaje ang kakulangan ng urgency ng publiko sa pagpapaturok ng booster dose laban sa COVID-19.

Karamihan aniya ay hindi nakikitang kailangan na silang agad na magpa-booster.

Ayon kay Cabotaje, inilapit na ng mga local government units sa kanilang mga residente ang pagbabakuna.

Sa ibang lugar aniya ay mayroon nang ginagawang house-to-house vaccination. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *