5.6 million na COVID-19 vaccines ng Pfizer at AstraZeneca darating sa bansa ngayong buwan
Darating na sa bansa ngayong buwan ang tinatayang 5.6 million na COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at AstraZeneca.
Sa pahayag sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. unang matatanggap ng Pilipinas ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines sa kalagitnaan ng Pebrero.
Sa kalagitnaan hanggang katapusan ng Pebrero ay inaasahan ding darating sa bansa ang mga bakuna mula sa AstraZeneca.
Tinatayang 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses AstraZeneca vaccines ang darating sa bansa hanggang sa ikalawang quarter ng 2021. (D. Cargullo)