5 ‘Best Tander Couples’ sa Caloocan para sa “Valentine’s Day Blog Making Contest inanunsyo na
Inanunsyo na ni Councilor Orvince Howard A. Hernandez ang limang ‘may forever tander couples’ na napiling best love stories para sa “Valentine’s Day Blog Making Contest.”
Ang Blog making contest ay proyekto ni Konsi Vince para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day this February 14.
Kinilala ang mga senior couples na sina Lolo Joe atLola Dory Duatin ng Barangay 176, halos 60 taon nang kasal, may limang anak, 11 apo at 6 na apo sa tuhod; Lolo Emong at Lola Carmelita Miranda ng Barangay 174, kasal na sa loob ng 70 taon, may apat na anak, 12 apo at 12 apo sa tuhod; Lolo Eli at Lola Gemma Ranara ng Barangay 167, kasal na sa loob ng mahigit 50 taon, may limang anak, anim na apo at dalawang apo sa tuhod; Lolo Tonyo at Lola Orang Ladignon ng Barangay 177, kasal sa mahigit 70 taon, may 12 apo; at Lolo Lilis at Lola Nida Leona ng Barangay 171, kasal sa loob ng 50 taon, may tatlong anak.
“Talagang nakakakilig ang mga ipinadalang love story sa ating ‘Valentine’s Day Blog Making Contest.’ Talagang dito sa Caloocan, may forever. At kung lovelife forever din lang ang hanap natin, champion d’yan ang limang ‘tander couples’ na napili; sana all,” saad ni Hernandez.
“Bilang pagpupugay sa kanila, bibigyan natin sila ng salo-salo with matching flowers kasama ang kanilang pamilya. Bibigyan din ang ating limang ‘love birds’ ng plake at kaunting cash,” dagdag ng batang Konsehal.
Malaking bahagi ng pagsasama nina Lolo Joe at Lola Dorry ang paglilingkod sa Diyos dahil isang lector/commentator si Lola at nahikayat si Lolo na magsimba sa St. Paul of the Cross Parish kahit isa itong protestante at kinalaunan ay naglingkod na rin sa simbahan.
Naging malaking hamon din sa pagsasama ng dalawa ang pagkawala ng paningin ni Lolo Joe dahil sa glaucoma. Pero dahil sa tatag ng pag-iibigan ng dalawa, nagsilbing mata ni Lolo Joe si Lola Dorry at nito lamang January 14 ay nagdiwang na sila ng 54th Wedding anniversary. Sabi nga ng kanilang anak, THROUGH THE YEARS, MAY FOREVER.
“Ang kwento naman nina Lolo Emong at Lola Carmelita ay ma-aksyon na tipong harangan man ng sibat ay talagang ipaglalaban ang pag-ibig dahil ilang beses pala silang sinubukang paghiwalayin ng mga magulang ni Lola. Pero sa bandang huli, nasunod pa rin ang kanilang pagmamahalan,” kwento ni Hernandez.
Love conquers all naman para kina Lolo Eli at Lola Gemma na mula Cebu ay nagtungo sa Metro Manila kung saan sila nakaranas ng mga pagsubok at pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.
Sa gitna ng kanilang pagsisikap, matagumpay nilang napagtapos ng pag-aaral ang limang anak na pawang mga professional na ngayon at sinusuklian naman ang kanilang pagmamahal at pagsasakrispisyo.
Ang samahan nina Lola Eli at Lola Gemma ay patunay na walang hirap na makapagpapahiwalay sa dalawang pusong nagmamahalan.
“Si Lolo Tonyo at Lola Orang, pag-ibig din sa isa’t-isa ang naging sandalan upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay. Lima sa kanilang mga anak ang pumanaw na pero naging matatag pa rin sila. Ganun din sina Lolo Lilis at Lola Nida na nalampasan ang hirap dahil sa magkasama nilang hinarap ang buhay,” salaysay pa ni Hernandez.
Sinabi ni Koni Vince na maraming makukuhang leksyon ang young generation, lalo na ang mga katulad niyang millennials, sa karanasan ng mga senior couples pagdating sa tunay na pagmamahalan.
“Ngayong buwan ng mga puso, at sa gitna ng bawat pagsubok sa buhay, alalahanin natin walang mas makapangyarihan pa sa wagas na pag-ibig, s’yempre, una ang pag-ibig ng Diyos,” diin ni Konsi Vince.#
5 ‘Best Tander Couples’ sa Caloocan para sa “Valentine’s Day Blog Making Contestinanunsyo na
Inanunsyo na ni Caloocan City Councillor Orvince Howard A. Hernandez ang limang ‘may forever tander couples’ na napiling best love stories para sa “Valentine’s Day Blog Making Contest.”
Ang Blog making contest ay proyekto ni Konsi Vince para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day this February 14.
Kinilala ang mga senior couples na sina Lolo Joe atLola Dory Duatin ng Barangay 176, halos 60 taon nang kasal, may limang anak, 11 apo at 6 na apo sa tuhod; Lolo Emong at Lola Carmelita Miranda ng Barangay 174, kasal na sa loob ng 70 taon, may apat na anak, 12 apo at 12 apo sa tuhod; Lolo Eli at Lola Gemma Ranara ng Barangay 167, kasal na sa loob ng mahigit 50 taon, may limang anak, anim na apo at dalawang apo sa tuhod; Lolo Tonyo at Lola Orang Ladignon ng Barangay 177, kasal sa mahigit 70 taon, may 12 apo; at Lolo Lilis at Lola Nida Leona ng Barangay 171, kasal sa loob ng 50 taon, may tatlong anak.
“Talagang nakakakilig ang mga ipinadalang love story sa ating ‘Valentine’s Day Blog Making Contest.’ Talagang dito sa Caloocan, may forever. At kung lovelife forever din lang ang hanap natin, champion d’yan ang limang ‘tander couples’ na napili; sana all,” saad ni Hernandez.
“Bilang pagpupugay sa kanila, bibigyan natin sila ng salo-salo with matching flowers kasama ang kanilang pamilya. Bibigyan din ang ating limang ‘love birds’ ng plake at kaunting cash,” dagdag ng batang Konsehal.
Malaking bahagi ng pagsasama nina Lolo Joe at Lola Dorry ang paglilingkod sa Diyos dahil isang lector/commentator si Lola at nahikayat si Lolo na magsimba sa St. Paul of the Cross Parish kahit isa itong protestante at kinalaunan ay naglingkod na rin sa simbahan.
Naging malaking hamon din sa pagsasama ng dalawa ang pagkawala ng paningin ni Lolo Joe dahil sa glaucoma. Pero dahil sa tatag ng pag-iibigan ng dalawa, nagsilbing mata ni Lolo Joe si Lola Dorry at nito lamang January 14 ay nagdiwang na sila ng 54th Wedding anniversary. Sabi nga ng kanilang anak, THROUGH THE YEARS, MAY FOREVER.
“Ang kwento naman nina Lolo Emong at Lola Carmelita ay ma-aksyon na tipong harangan man ng sibat ay talagang ipaglalaban ang pag-ibig dahil ilang beses pala silang sinubukang paghiwalayin ng mga magulang ni Lola. Pero sa bandang huli, nasunod pa rin ang kanilang pagmamahalan,” kwento ni Hernandez.
Love conquers all naman para kina Lolo Eli at Lola Gemma na mula Cebu ay nagtungo sa Metro Manila kung saan sila nakaranas ng mga pagsubok at pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.
Sa gitna ng kanilang pagsisikap, matagumpay nilang napagtapos ng pag-aaral ang limang anak na pawang mga professional na ngayon at sinusuklian naman ang kanilang pagmamahal at pagsasakrispisyo.
Ang samahan nina Lola Eli at Lola Gemma ay patunay na walang hirap na makapagpapahiwalay sa dalawang pusong nagmamahalan.
“Si Lolo Tonyo at Lola Orang, pag-ibig din sa isa’t-isa ang naging sandalan upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay. Lima sa kanilang mga anak ang pumanaw na pero naging matatag pa rin sila. Ganun din sina Lolo Lilis at Lola Nida na nalampasan ang hirap dahil sa magkasama nilang hinarap ang buhay,” salaysay pa ni Hernandez.
Sinabi ni Koni Vince na maraming makukuhang leksyon ang young generation, lalo na ang mga katulad niyang millennials, sa karanasan ng mga senior couples pagdating sa tunay na pagmamahalan.
“Ngayong buwan ng mga puso, at sa gitna ng bawat pagsubok sa buhay, alalahanin natin walang mas makapangyarihan pa sa wagas na pag-ibig, s’yempre, una ang pag-ibig ng Diyos,” diin ni Konsi Vince.