PNP Chief Marbil iniutos ang mas mahigpit na seguridad sa nalalabing 2 araw ng paghahain ng COC

PNP Chief Marbil iniutos ang mas mahigpit na seguridad sa nalalabing 2 araw ng paghahain ng COC

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco D. Marbil ang lahat ng police units sa iba’t ibang panig ng bansa na higpitan pa ang pagbabantay sa nalalabing huling dalawang araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs).

Partikular na pinababantayan ni Marbil ang posibleng panggugulo ng mga armadong grupo.

Pinatutukan ni Marbil ang mga election hotspots kung saan mayroong matinding tensyon sa pulitika.

Iniutos ni Marbil ang pagkakaroon ng dagdag na security measures, kabilang ang pagdaragdag ng police visibility, pagkakaroon ng strategic checkpoints, at mas pinaigting na intelligence monitoring.

“We are putting extra attention on regions that have seen heightened activity from armed groups and criminal elements. We will not allow any threats to undermine the democratic process. Our primary objective is to prevent any form of violence or intimidation,” ayon kay Marbil.

Pinaalalahanan din ni Marbil ang mga pulis na panatilihin ang pagiging neutral at iwasang masangkot sa political activities.

Maging ang publiko ay pinaalalahanan ni Marbil na maging mapagmatyag at agad ireport sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *