Bishop Pablo Virgilio David itinalaga ni Pope Francis bilang Cardinal
Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Pablo Virgilio David ng Diocese of Kalookan bilang bagong Cardinal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.
Inanunsyo ng Santo Papa ang pagtalaga sa 21 bagong Cardinal sa iba;t ibang panig ng mundo kabilang 4 na mula sa Asya.
Mapapabilang ang 65-anyos na si David sa mga aktibong Filipino cardinals, kabilang sina Cardinal Jose Advincula ng Manila Archdiocese at Cardinal Luis Antonio Tagle na ngayon ay nasa Vatican.
Ang mga cardinal sa iba’t ibang panig ng mundo ay kabilang sa mga makikilahok sa pagpili ng magiging succesor ni Pope Francis.
Sina Cardinal Gaudencio Rosales na dating archbishop ng Manila at Cardinal Orlando Quevedo ay hindi na makakalahok sa proseso dahil sa kanilang edad na higit 80 anyos na.
Si Cardinal David ay tubong Betis, Pampanga at naordinahan bilang pari noong 1983.
Taong 2006 nang siya ay italaga bilang auxiliary bishop sa San Fernando, at nalipat sa Kalookan diocese noong 2015.
Kasalukuyang nasa Rome si David kung saan pinangungunahan niya ang delegasyon ng CBCP para sa second session ng Synod of Bishops on Synodality. (DDC)