VM L.A. Ruanto naghain ng COC para tumakbo bilang alkalde sa Infanta, Quezon
Pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Vice Mayor L.A. Ruanto na tatakbo bilang Alkalde ngayong araw ng Linggo, Oktubre 6 sa Municipal Commission on Election (COMELEC) sa Bayan ng Infanta, Lalawigan ng Quezon.
Kasama ni Ruanto ang kanyang asawa at mga anak niya pati ang kanyang mga kapatid at magulang, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga Kapitan ganun din ang mga supporters na dumagsa para suportahan ang kandidatura ng bise alkalde.
Si Vice Mayor Lord Arnel ‘L.A’ Ruanto ay tumatakbo sa ilalim ng STAN-UP Party o STAN Quezon.
Bago siya naghain ng kanyang COC ay nagsimba muna siya kasama ang buong pamilya na nag-alay ng taimtim na dalangin kasabay pagbabasbas ng pari.
Pagkatapos sa naturang misa ay agad nagtungo si Vice Mayor Ruanto sa tanggapan ng COMELEC upang ihain ang kanyang kandidatura na sinamahan ng napakaraming supporters na dumagsa sa naturang bayan.
Ayon kay Ruanto nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan na mga proyekto at programa ni Governor Doktora Helen Tan na maging maganda ang ugnayan ng Provincial Government of Quezon sa kanilang bayan ganun din kay Cong. Mark Enverga upang tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Bayan ng Infanta.
Aniya, madaming dapat na pagtutuunan ng pansin ang Bayan ng Infanta na nais nitong maging kumpletong pag-unlad katulad na lamang ng Edukasyon, Kabuhayan, pagpapalakas ng Turismo upang madami pang magkakaroon ng trabaho at oportunidad, Infrastrakturang mapapakinabangan ng mamamayan at ang pagpapaayos sa sistema ng kalusugan katuwang ang kanyang Lingap Agad Program at ang Serbisyong Tunay at Natural.
Ikinatuwa naman ng bise alkalde ang pagdagsa ng mga supporters na halos maluha-luha siya sa buhos ng suporta ng kanyang mga kababayan.
Ipinaliwanag din ni Vice Mayor Ruanto na kung bakit hindi natuloy nitong October 4 ang kanyang paghahain ng COC dahil tinupad niya ang kanyang pangako sa pamilya ni Kuya Robin Dejillo sa mangingisdang nagpalutang-lutang ng halos 46 days sa karagatan na sakop ng Batanes Island na personal niya itong sinundo sa Batanes at sabay silang nag-celebrate ng kanilang birthday nang makauwi ito sa Bayan ng Infanta.
Dagdag pa ni Ruanto, na asahan pa ang mga magagandang programa at mga proyekto sa kanilang bayan katuwang ang magandang ugnayan sa Provincial Governmanet at National tiyak makakamit ang tuloy-tuloy na kaunlaran ng kanilang bayan.
Hiling naman ni Ruanto na manatiling ligtas at mapayapa ang panahon ng halalan sa kanilang bayan. (JR Narit)