Cong. Mike Rivera naghain na ng COC sa Comelec Batangas para tumakbo bilang gobernador ng lalawigan

Cong. Mike Rivera naghain na ng COC sa Comelec Batangas para tumakbo bilang gobernador ng lalawigan

Pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si dating 1-Care Partylist at dating Mayor Mike C. Rivera bilang gobernador sa Lalawigan ng Batangas ngayong araw ng Sabado, Oktubre 5 sa Provincial Office ng Commission on Election (COMELEC) sa Provincial Capitol, Lungsod ng Batangas.

Kasama ni Gob Mike Rivera ang kanyang asawa na si Mayor Celsa Rivera at anak niya na si Vice Mayor Micko Angelo Rivera ng Padre Garcia, Batangas pati ang kanyang mga anak, mga kamag-anak pati mga dating Mayor at mga Kapitan ganun din ang mga supporters na dumagsa para suportahan ang kandidatura ni Rivera.

Ang buong grupo ni Cong.Mike Rivera ay tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party.

Ayon kay Cong. Mike Rivera, nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan na mga proyekto at programa sa Padre Garcia na showcase nito ang kumpletong pag-unlad katulad na lamang ng Edukasyon, Kabuhayan, pagpapalakas ng Turismo upang madami pang magkakaroon ng trabaho at oportunidad, Infrastrakturang mapapakinabangan ng mamamayan at ang pagpapaayos sa sistema ng kalusugan lalo na ang mga pangunahing hospital sa buong probinsya.

Siniguro naman ni Mike Rivera na pantay-pantay ang serbisyo na pagtutuunan ang pangangailangan ng mga ordinaryong Batangueño at tuloy-tuloy din ang pag-iikot niya sa iba’t ibang bayan at lungsod sa buong lalawigan upang maghatid ng mga tulong at ayuda sa mga mahihirap niyang mga kababayan.

Hiling naman ni Rivera na manatiling ligtas at mapayapa ang panahon ng halalan sa buong lalawigan ng Batangas.

Nagbigay rin ng reaksyon si Rivera kung bakit binitawan siya ni Sec. Ralph Recto na matatandaang siya ang unang binigyan ng abiso na mag-ikot para magpakilala pero tila nagbago ang ihip ng hangin nang magdeklara ng kandidatura si Vilma Santos-Recto pero hirit ni Mike Rivera ay karapatan naman ng kung sinong gustong maghahangad maging gobernador.

Iginiit ni Mike Rivera na wala siyang sama ng loob o tampo matapos siya ay iniwan sa ere ng pamilyang Recto at mas pinakikinggan niya ang kagustuhan ng nakararami ng mga ordinaryong Batangueño na tumakbo siya sa Halalan 2025 upang Maiba Naman ang mamumuno sa Kapitolyo ng Batangas.

Ibinida naman ni Mayor Celsa Rivera ang mga nagawa nila sa Municipality of Padre Garcia na magiging template ito sa pagbabago ng mukha ng kanilang Probinsya na abot kamay serbisyo at tagos sa pusong paglilingkod na taas nuo itong ipagmamalaki ng kanyang mga kababayan. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *