LPA at isang bagyo sa labas ng bansa patuloy na binabantayan ng PAGASA
Binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 165 kilometers West Northwest ng Coron Palawan, na nakapaloob sa Intertropical Convergenze Zone (ITCZ).
Ang LPA at ITCZ ay nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at sa Mindanao.
Dahil sa LPA at ITCZ, makararanas ngayong araw (Oct.7) ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Rizal, Laguna, at Batangas.
Magdudulot naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon ang Easterlies.
Habang sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)