Pamahalaan nabahala sa lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan
Ikinabahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Kasunod ito ng panglulunsad ng ground operations ng Israel sa Lebanon.
Hinikayat ng DFA ang magkabilang partido na iwasan mga hakbang na makapagpapalala pa ng tensyon at sa halip ay magkaisa para mapayapang maresolba ang sigalot.
Iginiit ng DFA ang kahalagahan ng pagsunog sa international humanitarian law. (DDC)