Pangulong Marcos bibiyahe sa Lao PDR
xBiyaheng Vientiane, Lao PDR si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na dadalo so Pangulong Marcos sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane sa Oktubre 8-11.
Sa naturang pulong, sinabi ni Espiritu na ididiga ni Pangulong Marcos ang pinakabagong developments sa West Philippine Sea.
Ayon kay Espiritu, tatalakayin din sa pagpupulong ang iba pang regional at international geopolitical matters.
Hindi rin maiiwasan ayon kay Espiritu na talakayin ang human trafficking.
May nakatakda ring bilateral meeting si Pangulong Marcos sa ibang lider tulad ng Canada, New Zealand, Vietnam at Japan.
Ito ang unang pagkakataon na makakapulong ni Pangulong Marcos si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba kung saan tatalakayin ang trade at investment at defense relations.
Makikipagpulong din si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Lao. (CY)