Pang. Marcos pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Julian sa Batanes

Pang. Marcos pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Julian sa Batanes

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa Batanes na naapektuhan ng Super Typhoon Julian.

Sa datos ng pamahalaan, umabot sa 7,088 na pamilya o 21,348 na katao ang naapektuhan ng bagyo.

Namahagi ang pangulo ng P3,000 cash sa 200 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang KIta Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mayroon namang 4,000 beneficiaries ang nakatanggap ng 10 kilo ng bigas.

Habang ang provincial government ng Batanes ay namahagi ng 800 piraso ng GI sheets at 800 piraso ng lumber sa mga residente na nasira ang tahanan dahil sa bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *