Bagyong Julian muling pumasok sa bansa; Signal No. 1 nakataas sa Itbayat, Batanes

Bagyong Julian muling pumasok sa bansa; Signal No. 1 nakataas sa Itbayat, Batanes

Muling pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Julian.

Ayon sa PAGASA, alas 8:00 ng umaga ng Huwebes, Oct. 3, ang sentro ng mata ng bagyo ay nasa loob ng muli ng PAR.

Huli itong namataan sa layong 245 kilometers Northwest ng Itbayat, Batanes

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong east northeast.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Itbayat, Batanes.

Ayon sa PAGASA, nakatakdang mag-landfall ang bagyong Julian sa southwestern Taiwan.

Sa kabila ng muli nitong pagpasok sa PAR, wala na itong direktang epekto sa bansa maliban na lamang sa Batanes na malapit sa Taiwan.

Inaasahang hihina ang bagyo matapos ang pag-landfall nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *