Nilagdaang VAT on Digital Services Law hindi makaaapekto sa mga investor ayon sa BIR
Tiwala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi maaapektuhan ang mga investor sa bagong nilagdaang batas na nagpapataw ng VAT sa Digital Services.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. kumpiyansa silang hindi magdudulot ng paghina ng tech investors sa bansa ang VAT sa Digital Services.
Sinabi ni Lumagui na hindi naman na bago ang pagpapataw ng VAT sa nabanggit na mga serbisyo.
Aniya, ang nilagdaang batas ng pangulo ay layon lamang na palakasyon ang kapangyarihan ng BIR para kumulekta ng buwis sa digital services.
“Ginawa lang nating batas ito para mas masigurado na walang doubt sa implementation ng VAT. Pero internationally, we are following also international standards dahil malinaw rin naman sa international community na kung ano ang vatable sales pagdating sa digital services. So hindi ‘yan bago sa mundo,” ani Lumagui. (DDC)