Gobyerno makalilikom ng dagdag na P105B na kita sa pagpapatupad ng VAT sa digital services
Makalilikom ang gobyerno ng ng P105 billion na dagdag na revenue sa pagpapatupad ng Value-Added Tax on Digital Services Law.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa malilikom ang nasabing halaga sa unang limang taon ng pag-iral ng bagong batas.
Sinabi ng pangulo na ang malilikom na dagdag pondo ay ilalaan ng gobyerno sa pagpapatayo ng 42,000 classrooms, 6,000 rural health units, at 7,000-kilometer farm-to-market roads.
Paglalaanan din aniya ng pondo ang creative industry.
Sinabi ng pangulo na layunin ng batas na matiyak ang pagbabayad ng tamang buwis ng mga kumpanyang nasa Digital Services.
Ayon sa pangulo walang bagong buwis na ipapataw sa nilagdaang bagong batas.
Sa halip ay layon nitong pagtibayin ang kapangyarihan ng BIR na kumulekta ng VAT sa digital services. (DDC)