Batas na magpapataw ng buwis sa digital services nilagdaan na ni Pang. Marcos

Batas na magpapataw ng buwis sa digital services nilagdaan na ni Pang. Marcos

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Value-Added Tax on Digital Services Law.

Nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 12023 na mayroong 12% VAT ang non-resident digital service providers (DSPs).

Sa ilalim ng Value-Added Tax on Digital Services Law pinalalakas ang kapangyarihan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para kumulekta ng VAT sa digital services, kabilang ang digital media, digital music, digital video games, video-on-demand, at digital ads.

Sakop nito ang mga digital platforms gaya ng Netflix, Spotify, Amazon at Lazada.

Exempted naman sa bagong batas ang digital educational services, kabilang ang online courses at webinars at ang pagbebenta ng online subscription-based services para sa mga educational institutions.

Kabilang sa mga institusyong ito ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at state universities and colleges.

Ang bagong batas ay ipatutupad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ang Department of Finance (DOF), naman ang magpapalabas ng IRR ng batas base sa rekomendasyon ng BIR sa pakikipagtulungan sa DICT at NTC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *