Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 70 kilometers southeast ng Cagwait, 9:20 ng umaga ng Miyerkules, Oct. 2.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito nagdulot ng aftershocks. (DDC)