DMW tiniyak ang ligtas na repatriation ng mga OFW na naiipit sa tensyon sa Lebanon

DMW tiniyak ang ligtas na repatriation ng mga OFW na naiipit sa tensyon sa Lebanon

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy ang pagtutulungan nila ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak ang ligtas na repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa tensyon sa Lebanon.

Ayon sa Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut nakapagtala ng sunud-sunod na pambobomba sa Dahieh nitong weekend at may pagsabog din malapit sa MWO kung saan nananatili ang 63 OFWs.

Ayon sa DMW, ligtas naman ang lagat ng OFWs matapos ang mga pag-atake.

Agad din silang inilipad sa hotel sa Beit Mery, Lebanon para pansamantala doon manatili.

Mayroon ding 16 na Pinoy ang pansamantalang nananatili sa inuupahang pasilidad sa Beit Mery.

Ayon sa DMW, nagdudulot ng delay sa pag-uwi ng 16 OFWs ang kanselasyon ng utbound flights ng mga major airlines.

Dapat sana ay noong September 25, pa sila nakaalis ng Lebanon para umuwi sa Pilipinas.

Tatlo sa kanila ang na-reschedule ang flight sa October 11, habang mayroong 12 pang OFWs ang sasabay sa 17 OFWs ang nakatakdang umuwi sa October 22.

Inaayos na din ng MWO-Beirut ang repatriation ng 63 pang OFWs na mayroon ng kumpletong documentation at clearances. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *