Catanduanes niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
Tumama ang magnitude 6. 1 na lindol sa lalawigan ng Catanduanes.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 76 kilometers northeast ng Bagamanoc, 5:19 ng umaga ng Miyerkules, Oct. 2.
May lalim na 38 kilometers ang lindol at tecotnic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity I – Irosin, SORSOGON
Instrumental Intensities:
Intensity IV
– Virac, CATANDUANES
– Tabaco City, ALBAY
Intensity III
– Mercedes, CAMARINES NORTE
– Caramoan, and Sagñay, CAMARINES SUR
– Sorsogon City, SORSOGON
Intensity II
– General Nakar, QUEZON
– Legazpi City, ALBAY
– Daet, CAMARINES NORTE
– Iriga City, Ragay, and Sipocot, CAMARINES SUR
– San Roque, NORTHERN SAMAR
Intensity I
– Jose Panganiban, CAMARINES NORTE
– Claveria, MASBATE
– Bulusan, SORSOGON; Gandara, SAMAR
Pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami bunsod ng nasabing pagyanig.
Nagbabala din ang Phivolcs na maaaring makaranas ng aftershocks dahil sa nasabing lindol. (DDC)