Comelec kinansela ang rehistro ng 42 party-list groups
Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng 42 party-list groups.
Inilabas ng Comelec ang Resolution No. 11071 hinggil sa Cancellation of Registration ng party-list groups, organizations o coalitions sa ilalim ng Party-List System.
Labing-isang party-list groups, organizations at coalitions ang inalisan na ng registration makaraang mabigo na makalahok sa dalawang magkasunod na eleksyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
1-ABAA
ABYAN ILONGGO
AKIN
ALON
AMANA
ANG PDR
CLASE
KGB
MELCHORA
NACTODAP
PDDS
Tatlumpu’t isang part-list groups, organizations at coalitions naman ang inalisan na rin ng rehistro ng Comelec matapos mabigo na makakuha ng at least 2 percent ng boto para sa party-list system at bigong makakuha ng pwesto sa Kamara sa nakaraang dalawang magkasunod na eleksyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
1-CARE
ABEKA
ACTS-OFW
AKO BISDAK
AKMA-PTM
AP PARTYLIST
ANAKPAWIS
ANG KABUHAYAN
ALIF
ANAC-IP
ANGKLA
ABS
AASENSO
ABANTE PILIPINAS
BUTIL
KABALIKAT
MAYPAGASA
KOOP-KAMPI
AYUDA SANDUGO
KONTRA BROWNOUT PARTYLIST
MARVELOUS TAYO
1 UTAP BICOL
PTA
PLM
PEACE
PRAI
PPP
BUKLOD FILIPINO
1-ANG EDUKASYON
WOW PILIPINAS
YACAP