Publiko binalaan laban sa bagong “voice phishing scheme”

Publiko binalaan laban sa bagong “voice phishing scheme”

Nagbabala ang kumpanyang Globe sa bagong modus ng mga scammer na ginagawa sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone number.

Ayon sa abiso ng Globe, sa bagong “voice phishing scheme”, may nagpapanggap na tauhan ng National Telecommunications (NTC) at tatawag sa kanilang biktima.

Sasabihin ng fraudsters na sangkot ang iyong number sa isang scam o kaya naman ay madi-disconnect na ang iyong SIM.

Paalala ng Globe, huwag na huwag magbibigay ng personal na impormasyon sa ganitong caller.

Dapat na maging maingat kung ang tawag na iyong matatanggap ay mula sa “unknown numbers”/

Kung makatanggap ng ganitong tawag, i-report agad sa NTC sa kanilang website na www.ntc.gov.ph, o tumawag sa kanilang hotline na 1682. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *