Bagong Passenger Terminal Building binuksan na sa Laguindingan Airport
Binuksan na ang bagong Passenger Terminal Building (PTB) sa Laguindingan Airport.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa pagbubukas ng bagong PTB sa paliparan, tataas ng 72 percent o aabot na sa 860 na pasahero ang kapasidad ng pre-departure area sa airport.
Ang Laguindingan Airport ang 6th busiest airport sa bansa at mayroong 2 milyong pasahero ang bumibiyahe dito taun-taon.
Ang proyekto na inumpisahan noong February 2024 ay kinapapalooban ng 720-square-meter expansion.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, makikinabang sa expansion ng Laguindingan PTB
ang mga pasahero sa Northern Mindanao, kabilang ang Cagayan de Oro, Iligan, at Marawi, gayundin ang mga mula sa lalawigan ng Misamis Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Bukidnon. (DDC)