Bagyong Julian patuloy pang lalakas; magiging super typhoon ayon sa PAGASA

Bagyong Julian patuloy pang lalakas; magiging super typhoon ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Julian at halos maabot na ang Super Typhoon category ayon sa PAGASA.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Balintang Island sa Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa sumusunod na mga lugar:

Siganl Number 4:
– Batanes
– northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.).

Siganl Number 3:
– Babuyan Islands
– northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).

Signal Number 2:
– nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
– Apayao
– northern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Licuan-Baay, San Juan, Lagayan, Lagangilang, Dolores, Daguioman, Danglas, La Paz)
– northern portion Kalinga (Pinukpuk, Balbalan, City of Tabuk, Rizal)
– Ilocos Norte
– northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)

Signal Number 1:
– nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– nalalabing bahagi ng Abra
– nalalabing bahagi ng Kalinga
– Ifugao
– Mountain Province
– Benguet
– Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Aurora
– northern and eastern portions of Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad)
– Polillo Islands

Ayon sa PAGASA ang bagyong Julian ay magdudulot din ng hindi magadang panahon ngayong araw (Sept. 30) sa Pangasinan, Aurora, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, Romblon, at Bicol Region.

Sinabi ng PAGASA na patuloy pang lalakas ang bagyo at posibleng bukas ay aabot na ito sa super typhoon category.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo sa Miyerkules (Oct. 2) ng umaga o tanghali. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *