Higit 340,000 na motorista sa 2025 seserbisyuhan ng MPT South
Mahigit sa 340,000 na motorista sa bawat araw ang inaasahang maseserbisyuhan ng MPT South.
Ito ay batay sa anunsyo ng MPT South na higit 30% na traffic growth sa katapusan ng 2025 kung saan malalampasan ang na ang kasalukuyang 259,815 average daily motorists.
Ang pagdami ng motorista ay bunsod ng nakumpletong ilang mahahalagang segments ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at CAVITEX C5 Link na kinabibilangan ng CALAX Governor’s Drive Interchange, Open Canal Interchange, at Kawit Interchange, gayundin ang C5 Link Segment 3B na kumukonekta sa kasalukuyang Sucat Interchange patungong C5 Link Flyover Extension, kabaaan nito magmula SLEX-Taguig hanggang E. Rodriguez sa C5.
Ginagawa pa ang CAVITEX-CALAX Link na magdudugtong sa dalawang pangunahing toll roads na lilikha ng tuluy-tuloy na koneksiyon para sa mga motorista.
Ang mga nasabing proyekto ang inaasahang magpapabilis ng biyahe araw-araw para sa commuters at negosyo sa iba’t ibang probinsiya sa Southern Luzon at hinihikayat ang mas marami pang motorista na gumamit sa kabuuang 67 kilometrong road network ng MPT South.
“Aside from providing an enhanced driving experience for our motorists, our projects also aim to contribute to the region’s economic development by improving accessibility and connectivity. Once completed, our expressway network will provide a more seamless travel experience for over 340,000 motorists, a 30% increase from our existing daily traffic, and help spur economic growth in both regions,” sabi MPT South President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.
Samantala naglaan ang MPT South ng alokasyong P14 billion sa capital expenditures (CAPEX) sa 2025 upang suportahan abg konstruksiyon at maintenance ng kanilang nga imprastruktura.
“Despite the challenges we face in construction, such as the timely delivery of right-of-way and the recent typhoons, we are working around the clock to ensure the delivery of these vital infrastructure projects for the benefit of progress by the end of 2025,” dagdag ni Ignacio.
Kapag nakumpleto ng MPT South’s expressway network, asahan na umano ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng mabilis na galaw ng mga produkto at serbisyo. Ang maikling oras ng biyahe ay magbibigay ng karagdagang benepisyo gaya ng pagbaba ng konsumo sa gasolina at mapababa rin ang vehicle emmisions na malakingvtulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. (Bhelle Gamboa)