Sobra-sobrang pera na tinangkang ipasok sa bansa ng isang Korean National, kinumpiska ng BOC
Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Subport of Mactan ang dala dalang pera ng isang Korean national who arrived na dumating sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) Terminal 2 lulan ng Jin Air Flight LJ31 galing South Korea.
Ayon sa BOC sa isinagawang physical examination sa bagahe ng dayuhamg pasahero, natuklasan ang foreign currency na aabot sa JPY10,000,000 ang halaga na hindi idineklara ng dayuhan.
Ayon sa BOC ang freely importable amount o halaga na pinapayagan lamang na na madala ng isang dayuhan sa bansa ay JPY1,480,000 o USD10,000.
Dahil dito ay nagpalabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa JPY8,520,000 na halaga ma dala ng pasahero dahil sa paglabag sa BSP regulations hinggil sa cross-border currency transfers at sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Paalala ng BOC sa mga biyahero, sumunod sa eclaration requirements para maiwasan ang abala o maharap sa parusa.
Ang mga bumibiyahe sa bansa ay maaari lamang magdala ng foreign currencies papasok at palabas ng Pilipinas ng hanggang USD 10,000.
Kung sosobra sa nasabing halaga ay kailangan na itong ideklara sa E-Travel system and the Foreign Currency Declaration Form (FCDF). (DDC)