Vacation Service Credits ng mga guro, dinoble ng DepEd
Mula sa kasalukuyang 15 ay ginawang 30 ng Department of Education ang vacation service credits (VSCs) ng mga public school teacher.
Sa nilagdaang DepEd Order No. 13, s. 2024, ni Education Secretary Sonny Angara, dinoble ang leave credits ng mga guro na maaari nilang magamit kapag sila ay maysakit o iba pang personal na dahilan.
Ang bagong guidelines ay pakikinabangan ng mga guro sa publi schools na naninilbihan na ng isang taon o higit pa at ang mga bagong hire na na-appoint within four months mula ng magsimula ang klase.
Ayon sa DepEd ang sobrang oras ng pagtatrabaho ng mga guro ay maaaring i-convert sa VSC.
Gayundin ang kanilang pagtatrabaho kapag holiday gaya ng Pasko, summer breaks o kaya ay weekend.
Pwede ring i-convert sa VSC ang iba pang task ng mga guro o dagdag na trabaho na labas na sa kanilang regular hours.
Kabilang dito ang pagdalo sa training sessions kapag weekends o holidays, pagsasagawa ng remedial o enhancement classes, election-related duties, parent-teacher conferences, at home visits. (DDC)