Kaso ng Influenza-like Illness patuloy na bumababa – DOH

Kaso ng Influenza-like Illness patuloy na bumababa – DOH

Patuloy ang pagbaba ng naitatalang kaso ng Influenza-like Illness (ILI) sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, mula Jan. 1 hanggang Sept. 14, 2024 nakapagtala ng 117,372 ILI cases.

Ito ay 15% na mas mababa kumpara sa 137,980 ILI cases na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Nakapagtala din ang DOH ng 126 na nasawi dahil sa ILI na 11% na mas mababa kumpara sa 142 deaths na naitala noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng DOH na minamadali na nito ang pagbili ng flu vaccines.

Hinikayat din ni Health Sec. Teodoro J. Herbosa ang publiko na maging maingat pa rin sa kabila ng pagbaba na ng ILI cases.

Payo ni Herbosa, palagiang maghugas ng kamay, magsuot ng face mask sa matataong lugar, at magpabakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *