Publiko pinag-iingat sa pagbili ng Halloween Products na nagtataglay ng nakalalasong kemikal

Publiko pinag-iingat sa pagbili ng Halloween Products na nagtataglay ng nakalalasong kemikal

Nagbabala ang toxic watchdog group na BAN Toxics sa mga magulang sa pagbili ng mga Halloween Products para sa kanilang mga anak.

Ginawa ng BAN Toxics ang babala dahil naglipana na ngayon sa merkado ang mga laruan, costumes, dekorasyon at iba pang Halloween Products.

Sa isinagawang market monitoring ng grupo, bumili ito ng anim na Halloween masks at saka sinuri sa taglay nitong kemikal.

Sa naturang pagsusuri, ang mga biniling mask ay nakitang nagtataglay ng nakalalasong lead na aabot sa 1,130 parts per million (ppm) at cadmium na aabot sa 160 ppm.

Lahat din ng nabiling masks ay bigong makasunod sa product labeling standards na itinatakda ng RA 10620, o ang Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, dapat maging maingat at mapanuri ang mga magulang sa mga binibiling produkto.

Sa ilalim ng DENR Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds, ang paggamit ng naturang kemikal sa mga laruan at school supplies ay mahigpit na ipinagbabawal.

Base sa pag-aaral, ang pagkakalantad sa lead ay maaaring makaapekto sa brain development ng bata.

Samantala, ang dadmium naman ay mayroong toxic effects sa kidney, skeletal system, respiratory system, at itinuturing na human carcinogen. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *