“Bakuna Eskwela” ikakasa ng DOH sa mga pampublikong paaralan
Maglulunsad ng “Bakuna Eskwela” ang Department of Health (DOH) para sa mga kabataan na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa DOH, sisimulan ang programa sa buwan ng Oktubre.
Layunin ng programa na protektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Sa ikakasang “Bakuna Eskwela” ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 7 at bibigyan ng bakuna panlaban sa Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria.
Habang ang mga babaeng estudyante na nasa Grade 4 ay bibigyan din ng bakuna laban sa Human Papilloma Virus (HPV) at Cervical Cancer.
Hinikayat ng DOH ang mga magulang na pirmahan ang consent form para mapabakunahan ang kanilang mga anak. (DDC)