Content sa isang Youtube Channel na nagsasabing may Chinese Jet na patungong Escoda Shoal, peke ayon sa AFP
Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang content na inilabas sa isang Youtube Channel na nagsasabing “mayroong Chinese Jet na patungo sa Escoda Shoal”.
Ayon sa AFP, hindi totoong mayroong C-17 Globemasters na nag-deliver ng missile systems sa Escoda Shoal.
Wala ring katotohanan ang nakasaad sa content na mayroong hinarang ang US Navy destroyer na assault ship ng China.
Ayon sa AFP, malinaw na gawa-gawa at peke ang larawan na ginamit sa content.
Hiniling ng AFP sa publiko na huwag paniwalaan ang mga inilalabas na content ng naturang channel at i-report din ito dahil sa pagpapakalat ng pekeng impormasyon. (DDC)