Barko na sangkot sa “paihi” naharang sa Manila Bay

Barko na sangkot sa “paihi” naharang sa Manila Bay

Huli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko na sangkot umano sa fuel pilferage o “paihi”.

Namataan ng BRP Boracay (FPB-2401) ang MV Palawan sa katubigan ng Manila Bay gabi ng Huwebes (Sept. 26).

Lulan ng MV Palawan ang hindi pa tukoy na dami ng smuggled diesel fuel.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang barko mayroong pitong crew ay patungo sa Navotas.

Sa kanilang pahayag sinabi ng mga crew na ang dala nilang diesel ay kinuha nila mula sa isang tugboat.

Dinala na ang MV Palawan sa Pier 13, South Harbor, Port Area, Manila, para sumailalim sa imbestigasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *